-- Advertisements --

Nanawagan si Senate Committee on Cooperatives Chairman Imee Marcos sa Department of Agriculture na turuan ang mga magsasaka ng mga makabagong teknolohiya sa pagtatanim partikular na ang palay.

Ito ay sa gitna na rin nang matinding init na nararanasan ngayon sa bansa.

Paliwanag ni Sen. Marcos, hindi naman kailangan nakalubog sa tubig ang lahat ng palay sa taniman tulad ng nakasanayan ng mga magsasaka.

Inihalimbawa ni Marcos ang mga pananim na palay sa Ilocos na nakaswero na may maliit na tubo na patak patak lang ang idinidilig para hindi masayang ang tubig ngayon El Niño.

Mayroon din aniyang teknolohiya na ang palay ay maaari ng anihin sa loob ng 45 araw sa halip na 90 araw.