Kinasuhan ng Department of Agriculture (DA) ang importer ng sibuyas dahil sa kakulangan ng mga dokumento.
Ayon sa DA, na mismo ang Bureau of Plant Industry (BPI) ang nagsampa ng kaso laban sa JRA and Peral Enterprises Inc. dahil sa pag-angkat ng P2.37-milyon na halaga ng mga sibuyas ng walang anumang dokumento.
Nagbunsod ang reklamo sa importation ng 25 metric tons ng yellow onions mula sa China na dumating sa Manila South Harbor noong Hulyo 2024.
Sinabi ni Hendrick Exconde ang Area Manager ng BPI National Plant Quarantine Division sa Port Manila na dinala ng JRA ang nasabing mga sibuyas kahit na hindi ito pinayagan ng gobyero ang importasyon noong nakaraang taon.
Magugunitang sinuspendi ng BPI ang pagbibigay ng import permits sa mga fresh yellow onions mula Enero 1 hanggang Agosto 19, 2024 dahil sa mayroong sapat na suplay ng sibuyas ang bansa.