-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na 88% sugar ang mga misdeclared na ‘sweetened powder’ na hinihinalang ioinuslit sa bansa mula sa Vietnam.

Matatandaan kasi na nagsagawa pa ng karagdagang pagsusuri ang Sugar Regulatory Administrastion (SRA) upang alamin ang main components ng mga smuggled sweetener.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., batay sa initial na resulta, napagalaman na ito ay components ng asukal kaya naman declared na aniya technically na ito ay sugar.

Paliwanag ng kalihim, 88% mula sa kompsosisyon nito ay white granulated sugar habang 12% naman ang glucose.

Dahil dito, ayon sa Bureau of Customs (BOC), ang mga shipment na naglalaman ng 350 metric tons ng asukal ay maaaring maberipika bilang ‘refined sugar’ sa ilalim ng tariff code 1701.

Samantala, maaari namang i-distribute ang mga hinihinalang smuglled sugar sa publiko kapag nakumpiska at naberepika na itong fit for human consumption.