-- Advertisements --

Kumbinsido ang pamunuan ng Department of Agriculture na babalik na sa normal ang presyo ng kamatis sa katapusan ng buwang ito.

Sa ngayon kasi ay mataas pa rin ang presyo nito sa ilang pamilihan maging dito sa Metro Manila.

Sa isang pahayag ay sinabi ni DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng kamatis ay dulot ng kakulangan sa produksyon nito.

Maaalalang sunod-sunod ang tumamang bagyo sa Pilipinas noong huling bahagi ng nakalipas na taon na nag-iwan ng matinding pinsala sa agrikultura.

Aabot rin aniya sa 45% ang ibinaba sa produksyon ng kamatis dahilan para komonti ang suplay nito.

Batay sa monitoring ahensya, naglalaro ngayon sa ₱200 hanggang ₱350 ang per kilo ng kamatis sa mga merkado sa NCR.