-- Advertisements --

Iginiit ng Department of Agriculture na nananatiling stable ang supply ng mga agricultural products sa bansa ngayong nalalapit na ang x-mas season.

Ito ay dahil sa mga isinasagawang importasyon ng mga produkto para mapunan at umalalay sa lokal na produksyon para maabot ang demand sa bansa.

Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel De Mesa, nababalanse ng importasyon ang supply ng agri-products sa Pilipinas.

Maganda rin aniya ang lokal na produksyon ng gulay sa kabila ng mga kalamidad.

Samantala, sakaliman na magkulang ang supply ng baboy at manok ay napaghandaan na aniya nito ng kanilang ahensya.

Kung maaalala, malaki ang naging epekto ng African Swine Fever sa produksyon ng baboy sa bansa.