Kumpiyansa ang Department of Agriculture na patuloy na bababa ang presyo ng imported na bigas sa mga pamilihan sa bansa dahil sa ipinatutupad na EO62 o tapyas taripa sa mga inaangkat na bigas.
Ayon sa ahensya, sa ngayong ay nararamdaman na ng mga mimili ang unti-unting pagbaba ng presyo nito.
Sa ngayon, mabibili na lamang ang imported regular milled rice sa halagang ₱47 hanggang ₱48 ang kada kilo na dati ay ₱51 per kilo.
Mabibili rin ang imported na well milled rice ay sa kasalukuyang presyo na 51-₱53 mula sa dating 55 pesos.
Mahigit 56,000 MT naman ng imported na bigas ang naipasok sa bansa mula ng ipatupad ang kautusan.
Ayon naman ka DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, lalaki pa ang volume ng mga imported na bigas sa mga susunod na buwas habang lalaki rin ang tapyas taripa nito.
Umaasa rin aniya ang DA , na mahahatak rin nito pababa ang presyo ng mga locally produced na bigas.