-- Advertisements --

Kumpyansa ang pamunuan ng Department of Agriculture na bababa ngayong buwan ang Maximum Suggested Retail Price sa mga karneng baboy.

Ayon sa ahensya, ipapatupad nila ang naturang regulasyon para maiwasan ang pagsipa ng presyo nito sa mga pamilihan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. na maipapatupad ang Maximum Suggested Retail Price kapag natapos na ang konsultasyon sa mga stakeholder sa loob ng linggong ito.

Aniya, posibleng maipatupad ito sa March 10 ng kasalukuyang taon.

Kung maaalala, sinabi ng Samahang Industriya ng Agrikultura na mayroong napagkasunduang presyo para sa MSRP ng karneng baboy .

Ito ay aabot sa ₱360/kilo para sa pork kasim habang aabot naman sa ₱380/kilo ang presyo para sa liempo.