Kumpyansa ang pamunuan ng Department of Agriculture na bababa ngayong taon ang bilang ng rice imports sa bansa.
Ayon sa ahensya, ito ay dahil na rin sa matatag na supply ng lokal na produksyon ng palay.
Sa isang pahayag ay sinabi ni DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, ngayong taon ay nasa 3.8 hanggang 4 million Metric Tons ang inangkat na bigas ngayong taon.
Mas mababa ang bilang na ito kumpara sa inangkat na bigas noong nakaraang taon na umabot sa 4.8 metriko tonelada.
Ang pagbaba na ito ay katumbas ng 804,347 metric tons sa volume ng imported rice .
Naniniwala ang opisyal na ngayong taon ay makakabawi sa ani ang mga lokal na magsasaka sa bansa dahil sa magandang produksyon ng palay ngayong taon.
Sa ngayon ay walang pangamba ang mga magsasaka sa anumang banta ng El Niño, La Niña at mga bagyo hindi kagaya noong nakalipas na panahon.