-- Advertisements --

Lumikha ng isang technical working group ang Department ofg Agriculture upang bumuo ng mga regulasyon na naglalayong tiyakin ang katatagan sa supply at pagpepresyo ng mga mahahalagang bagay at pangunahing bilihin.

Sa isang pahayag, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. ang paglikha ng task group para bumuo ng implementing rules and regulations (IRR) na naglalayong iayon ang mga produktong agrikultura sa Price Act, na kilala rin bilang Republic Act 7581.

Aniya, ang batas ay nagbibigay ng alokasyon ng isang buffer fund para sa pagbili, pag-angkat o pag-iimbak ng mga pangunahing pangangailangan.

Ang Price Act ay pinagtibay upang pangalagaan ang mga mamimili laban sa hindi makatwirang pagtaas ng presyo at magbigay ng patas na mga gawi sa pagbili.

Inatasan ni Laurel ang working group na bumuo ng maikli at wastong hanay ng mga patakaran para sa ahensys.

Gayundin ang pagsali sa iba pang mga katawan ng gobyerno sa paglikha ng Implementing Rules and Regulation tulad ng Department of Trade and Industry (DTI).

Responsibilidad din nilang makipagpulong sa mga grupo ng consumer, market expert, at iba pang stakeholder na maaaring makatulong na patatagin ang mga bagong patakaran.