-- Advertisements --
Target ng Department of Agriculture na simulan sa Agosto 30 ang pagbabakuna laban sa African Swine Fever.
Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel, na nagkaroon lamang ng delay ang nasabing aktibidad dahil sa ilang opisyal ng Bureau of Animal Industry ang kinasuhan sa Ombudsman.
Gaya ng mga naunang pahayag nito na gagawin ito sa Lobo, Batangas kung saan doon naitalang maraming kaso ng ASF.
Mayroong inisyal na 10,000 doses ang kanilang gagamitin at ito ay ginastusan ng gobyerno.
Paglilinaw din ng kalihim na walang pilitan ang nasabing pagbabakuna sa mga magbababoy.