-- Advertisements --

Nakatakdang mag-angkat ang bansa ng nasa 8,000 metric tons ng isda dahil sa closed fishing season.

Ayon sa Department of Agriculture (DA) nakadagdag pa dito ang mahigit na P1-bilyon na damyos sa fishiries sector dahil sa mga magkakasunod na mga bagyo.

Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary and spokesman Arnel de Mesa na ang nasabing bilang ay kanilang natalakay sa ginawang pulong ng ahensiya.

Dahil dito ay mayroon ng kabuuang 38,000 na metric tons na isda ang na-angkat ngayong taon.

Una rito ay inaprubahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr ang pag-angkat ng nasa 30,000 Metric Tons ng isda dahil sa pagsisimula na ng closed fishing season.