-- Advertisements --

Nakatakdang mag-angkat ang bansa ng mga sibuyas mula sa ibang bansa.

Sinabi ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar, ang nasabing hakbang ay para mapunan ang production gap ng dalawang buwan.

Magsisimula ang nasabing pag-angkat ng nasa 35,000 metric tons ng sibuyas sa buwan ng Marso.

Nasa kasaysayan kasi ang nasabing pagkakaroon ng production gap sa bansa.

Isa ang China na napiling importer ng sibuyas na mag-susuplay sa bansa.