-- Advertisements --
Libreng sakay ang iniaalok ngayon ng Department of Agriculture para sa lahat ng mga indibidwal na magtutungo sa Kadiwa ng Pangulo Expo.
Ayon sa DA-Agribusiness and Marketing Assistance Service, gaganapin ang naturang aktibidad sa Philippine International Convention Center.
Layon ng inisyatibong ito na mabawasan ang hassle ng mga nagnanais na dumalo sa naturang expo.
Ito ay may rutang MRT Taft patungong PICC at vice versa .
Maaaring sumakay ang nais dumalo mula alas 9 ng umaga hanggang 4pm.