Inanunsiyo ng Department of Agriculture ang pagdadag nila ng mga Kadiwa ng Pangulo (KNP) centers at Kiosk sa ibang lugar ng bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr, na target nila sa pagtatapos ng buwan ng Pebrero ay makalagay sila sa 180 na palengke sa Metro Manila.
Layon nito ay para maging madaling makapamili ang mas maraming Pilipino ng mga murang bigas.
Mayroong apat na opsyon ang pagpipilian at ito ay ang Rice For All 5 (RFA 5) na naibebenta ng P45 kada kilo na bigas; RFA 25 na nabibili ng P40 per kilo; RFA 100 o sulit rice na mabibili ng P36 kada kilo at P29 na mula sa National Food Authority (NFA).
Sa mga susunod na araw ay makikipulong ang kalilim sa mga alkalde ng Metro Manila para pag-usapan ang pagpapalawi ng Kadiwa Ng Pangulo (KNP).