Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) na maraming baboy at karneng baboy ang ipapadala mula sa Visayas at Mindanao patungong Luzon simula sa linggong ito.
Sinasabing malaki ang maitutulong ng shipment para maparami pa ang suplay ng karneng baboy at patatagin ang mga presyo sa mga pampublikong pamilihan, partikular na sa Metro Manila.
Ang supply ng baboy ay bumaba sa Luzon matapos maraming mga lalawigan ang tinamaan ng African swine fever (ASF) kung saan nasa 370,393 na mga baboy na ang namatay sa buong bansa.
Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar, manggaling ang shipment sa Davao, General Santos, Cagayan de Oro, Cebu, Iloilo at Leyte hanggang buwan ng Disyembre.
Napag-alaman na mabibili sa P320 ang kada kilo ng karneng baboy kung saan nasa P230 naman ang suggested retail price (SRP).