-- Advertisements --
William Dar
DA Sec William Dar/ DA FB page

Naglaan ang Department of Agriculture ng P60 million na pautang sa mga hog raisers na apektado ng African swine fever (ASF).

Sinabi ni agriculture Secretary William Dar, na maaaring umutang ng hanggang P30,000 sa bawat hog farmers.

Maaari itong mabayaran ng hanggang tatlong taon ng walang interest.

Dagdag pa ng kalihim na maaaring gamitin ng mga hog raisers ang halaga para muling makabangon matapos ang pinsala ng ASF.

Nauna ng nakatanggap ng P82.5 million ang Bureau of Animal Industry mula sa Department of Budget Management para sa preventive measures laban sa ASF.