-- Advertisements --

Magsasagawa ng inspeksyon sa mga palengke si Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel.

Isasagawa nito ang pag-ikot ngayong araw sa lungsod ng Quezon dahi ito ang simula ng pagpapatupad ng maximum suggested retail price na P45 kada kilo sa mga imported rice.

Makakasama nito sa pag-ikot si Trade Secretary Cristina Roque at ilang mga kapulisan.

Magugunitang noong Enero 20 ng ipatupad ang P58 kada kilo sa mga imported rice na sinundan ng P55 kada kilo noong Pebrero 5.

Hanggang sa naging P52 kada kilo nitong Pebrero at P49 kada kilo nitong Marso 1.

Papanagutin nila ang mga masisitang hindi nagpapatupad ng maximum suggested retail price.