-- Advertisements --

Nakatakdang ibahagi ngayong linggo ng Department of Agriculture ang kanilang istratehiya para ma-modernize ang agrikultura at mapalakas ang production capacity ng mga magsasaka.

Sinabi ni Agricuture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr na ang nasabing hakbang ay para mapalakas ang kontribusyon ng agriculture sector sa domestic economy, pagpapaganda ng buhay ng mga magsasaka at magbukas ng mas maraming trabaho.

Malaking hamon sa kanila ngayon kung paano makagawa ng mas maraming pagkain lalo na ngayong panahon ng tag-tuyot sa unang bahagi ng taon dahil sa epekto ng El Nino.

Nakatuon din ang DA sa pagtugon ng gobyerno laban sa epekto ng El Nino sa mga pananim.