May mga pagbabagong gagawin ang Department of Agriculture (DA) na ipapatupad sa susunod na taon sa kanilang regulasyon, polisiya at process.
Sinabi ni Agriculture Undersecretary Asis Perez na layon nila ng mabawasan ang mga regulatory process bilang bahagi ng pagbabawas ng presyo ng mga pagkain at para lalo makaakit ng mga investors.
Sa kasalukuyan kasi ay nagiging kumplikado ang regulatory process at nauulit na mga requirements kung saan ang bagsak nito ay idadagdag sa presyo ng mga bilihin.
Nais nilang tanggalin na ang mga hindi na mahalagang requirements para mapagaan ang proseso na magkakaroon ng epekto rin sa bawas presyo ng mga agricultural products.
Umaasa sila na matatapos ang pag-aaral ng nasabing bagong regulasyon sa mga susunod na buwan para ito ay kanilang maipatupad na agad.