-- Advertisements --
May kaparaanan ngayon ang Department of Agriculture (DA) para tuluyang mapababa ang presyo ng bigas sa Metro Manila.
Ayon kay DA spokesperson Asec. Arnel de Mesa. na nagkasundo ang mga opisyal ng kanilang opisina sa mga market masters at representatives nila kung saan pumayag sila na limitahan ang kita sa mga regular at well-milled rice ng hanggang P3.00- P5.00 sa kada kilo.
Dahil dito ay magkakaroon na ng tig-P43.00 kada kilo ang bentahan ng bigas sa Metro Manila sa susunod na linggo.
Base rin kasi sa datos ng DA na ang kasalukuyang presyo ng bigas ay nasa P50 kada kilo pa rin.
Maglalagay din sila ng mas maraming mga KADIWA Centers para mas marami ang makabili ng mga murang bigas.