-- Advertisements --
Binalaan ng Department of Agriculture (DA) ang mga negosyanteng nananamantala para lalong tumaas ang nasabing presyo ng gulay sa pamihilan.
Sinabi ni DA Secretary William Dar, kahit na naapektuhan ang maraming mga magsasaka ng mga dumaang bagyo noong nakaraang taon ay hindi dapat na dagdagan ang presyo ng mga ito.
Isa sa nakikita ng kalihim na kaya tumaas ang presyo ng mga gulay ay dahil labis na pagpatong ng presyo ng mga trader na nagdadala ng mga produkto sa mga pamilihan.
Dagdag pa ng kalihim na mayroon silang isinasagawang economic intelligence para makasuhan ang mga mapagsamantalang negosyante.