-- Advertisements --

Minamadali na ng Department of Agriculture ang pagpapalabas ng Indemnification Payment para sa mga magsasaka na naapektuhan ng bagyong Kristine.

Naglabas na rin ng kautusan si Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. sa Philippine Crop Insurance Corp. na bilisan ang pagpapalabas ng naturang kabayaran sa mga mga farmers na sakop ng insurance ang mga lupain.

Sa isang pahayag, sinabi ni DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, aabot sa P600-M ang ipapamahagi ng Philippine Crop Insurance Corp. sa mahigit 86,000 magsasaka na naapektuhan ng naturang sama ng panahon.

Aniya, magsasagawa muna ng kaukulang balidasyon sa mga sakahan na naapektuhan bago ipamahagi ang pondo para sa magsasaka.

Mamamahagi rin ang DA ng mga binhi at agri inputs , Survival and Recovery (SURE) Loan Program at P1-B Quick Response Fund.