-- Advertisements --

Minamadali na ng Department of Agriculture (DA) ang pagtatayo ng mga cold storage facilities na siyang magagamit ng mga magsasaka sa kanilang mga aanihin.

Patuloy umano ang bidding para tuluyan na makapagpatayo ng mga cold storage facilities para mas mapahaba ang shelf life ng kanilang mga inaani at mabawasan maging ang ‘wastage’ sa mga produktong agrikuktural.

Kabilang na dito ang solar-powered cold storages para makatipid sa pagkonsumo ng kuryente.

Samantala, sa ngayon ay nasa P3 bilyong piso ang pondo na inilaan ng ahensya para sa mga naturang imprastraktura na hindi lamang sesentro sa Luzon ngunit maging sa Visayas at Mindanao.

Aabot naman sa 40% na mga gulay ang nasisira sa byahe pa lamanag mula sa mga agrikultural na bahagi ng bansa patungong merkado.