Inunsyo ng Department of Agriculture (DA) na babawasang muli sa Marso 31 ang maximum suggested retail price (MSRP) sa mga imported premium rice at ibababa sa P45/kilo dahil sa patuloy na pagbaba ng pandaigdigang presyo ng mga ito.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., bumaba ng halos P19 kada kilo ang retail price ng mga imported rice kumpara sa dating presyo nito bago ang implementasyon ng MSRP noong Enero.
Ang pagbababa ng itinlagang presyo ng mga ito na mula sa P49/kilo ay bahagi pa rin ng inisyatibo ng departamento na mas gwing abot kaya ang mga bilihin sa mga pamilihan lalao na ang basic commodities gaya ng bigas.
Samantala, ang implementasyon naman ng MSRP ay isang resulta ng konsultasyon mula sa mga stakeholders sa industriya para matiyak na ang pagbabawas ng presyo nito ay hindi makakaapekto sa sa bentahan nito at para hindi rin makompormiso ang food security sa bansa.