-- Advertisements --
Nag-alok ang Department of Agriculture (DA) ng pautang ng hanggang P25,000 para sa mga magsasaka at mangingisdang nasalanta ng bagyong Odette.
Ayon sa Agricultural Credit Policy Council (ACPC) na mayroon silang inilaan na P500 milyon credit fund para sa implementasyon ng Survival and Recovery (SURE) Assistance Program.
Makakatulong umano ito para sa pagbangong ng fisheries at agriculture.
Base sa nasabing programa na mayroong pautang na P25,000 na maaring bayaran ng hanggang tatlong taon na walang interest o anumang collateral.