Ipinag-utos na ng Department of Agriculture and temporary ban sa importasyon ng mga hayop at animal-derived products mula sa Slovakia.
Ito ay kasunod ng pagkalat ng mga kaso ng Foot-and-Mouth Disease sa mga alagang baka sa naturang bansa.
Ayon sa report ng Slovak veterinary authorities sa World Organization for Animal Health, naitala ang Foot-and-Mouth Disease outbreak sa Dunajskd Streda, Trnavsky.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. , layon ng temporary ban na mapigilan ang pagkalat ng naturang virus sa bansa at upang maprotektahan ang kalusugan ng mga hayop sa bansa.
Batay sa inilabas ng Memorandum Order No. 21 ng kalihim, mahigpit na ipinagbabawal ang pag-aangkat ng buhay na baboy, baka at kalabaw at iba pang mga kaugnay na produkto.
Pinapayagan naman ang ilang produkto na maangkat katulad ng ultra-high-temperature milk, heat-treated meat products na silyado at nasa containers, protein meal, gelatin at iba pa.