Nagpahayag ang Department of Agriculture (DA) ng kahandaang magbenta ng P40 kada kilo ng bigas.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr na magsisimula ito kapag maraming mga imported na bigas ang mapatawan ng mas mababang taripa pagdating sa bansa sa mga susunod na buwan.
Maaring ang mga bigas na ibinebenta sa Rice-for-All program ay mabawasan ng P5 kada kilo kapag gumaan ang kasalukuyang presyo nito.
Inihalimbawa nito na sakaling ang retail price ay umabot ng P45 sa kada kilo ng bigas ay magiging P40 na ang presyo ng kanilang Rice-for-All program.
Magugunitang nagsimula ang nasabing programa noong Agosto 1 saan ibinebenta ang mga well-milled rice mula sa local importers at traders ng P45 kada kilo na mayroong 25 kilos na limit kada araw sa isang tao na ito ay mas mababa sa presyong P47 hanggang P55 kada kilo.