-- Advertisements --

Nagpaliwanag ang Department of Agriculture sa kakulangan ng suplay ng kamote sa Pilipinas.

Ayon kay DA Undersecretary Domingo Panganiban, talagang nagkukulang ang suplay ng kamote kapag panahon ng tag-ulan dahil hindi masyadong lalaki ang mga ito.

Subalit pagsapit naman aniya ng buwan ng Oktubre, Nobiyembre at Disyembre inaasahan na tataas na ang suplay at pansamantala lamang ang taas-presyo ng kamote sa mga merkado dahil inaasahang bababa rin ito kapag dumami na muli ang suplay.

Ayon kay Panganiban, nagmumula ang suplay ng sweet potatoes o kamote sa Central Luzon, Southern Tagalog at Northern Luzon na tinamaan ng severe tropical storm Florita.

Kaugnay nito, inatasan na rin aniya ang Bureau of Plant Industry para kolektahin ang mga data sa kng ilan ang nabawas sa suplay ng kamote ngayong taon.

Batay sa datos mula sa Philippine Statistics Authority , ang production ng kamote sa bansa ay tumaas ng 278,330 metric tons mula January hanggang June 2022 kumpara sa 273,090 MT ng kaparehong period noong nakalipas na taon.

Subalit sa datos mula 2020 at 2021 , nakitaan ng pagbaba sa suplay ng agricultural products mula July hanggang buwan ng Setyembre.