-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nagpamigay ng libreng abono ngayong araw ang mga kawani ng City Agriculture Office sa mga barangay ng Santago City .

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa City Agriculture Office Santiago nasa 15 barangay pa ngayong linggo ang nakatakdang puntahan ng tanggapan para sa pamamahagi ng libreng abono.

Kabilang sa mga barangay na ito ang Brgy. Plaridel, Patul, Villa Gonzaga, Sinili at San Isidro at gaganapin ang pamamahagi sa Brgy. Villa Gonzaga Community Center.

Bukas, Fenruary 3, 2022 ay ang mga magsasaka ng Poblacion, Malvar, Calaocan, Baluarte at Nabbuan ang bibigyan ng libreng abono na gaganapin naman sa Baluarte Community Center habang sa Barangay Bannawag Norte Community Center gaganapin ang pamamahagi ng libreng abono sa February 4, 2022 sa mga magsasaka ng mga Barangay Balintocatoc, Bannawag Norte, Luna, Sagana, San Jose at Santa Rosa.

Puntiryang mabigyan ang mahigit 5,000 magsasaka sa Santiago City ng libreng abonong mula sa Department of Agriculture sa ilalim ng programang RSBSA.

Layunn nito na mapataas pa ang kalidad ng bigas upang mapataas ang kita ng mga magsasaka pangunahin na ang mga maliliit lamang ang sinasaka.