Ipinag-utos na ng pamunuan ng Department of Agriculture ang pansamantalang pagpapatupad ng import ban sa lahat ng mga domestic at wild bird ng Turkey dahil na rin sa pagkalat ng bird flu sa bahagi ng Europa.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., layon ng hakbang na ito ng ahensya na mapigilan ang pagpasok at pagkalat ng naturang sakit sa bansa.
Batay sa ipinalabas na Memorandum order, inatasan ni Sec. Laurel ang pagpapatigil sa pag-iisyu ng sanitary at phytosanitary import clearances sa importasyon ng domestic at wild bird mula sa naturang bansa.
Kaugnay nito, ipinagbabawal ng ahensya ang pagpapapasok ng mga produkto na kinatay o iprinoduce bago ang Enero 1 ng taong ito.
Kabilang sa mga ipinagbabawal ay ang karne, day-old chicks , itlog at mga semilya.
Sa inilabas na data ng Turkey sa World Organization on animal health , nagkaroon ng pagkalat ng H5N1 High Pathogenicity Avian Influenza sa Sarayduzu, Merkez Turkey.