-- Advertisements --

Pansamantalang ipinagbabawal ng Department of Agriculture ang pag-aangkat ng mga Ibon at mga poultry products na nanggagaling sa bansang New Zealand dahil sa malawakang kaso ng avian influenza o bird flu doon.

Batay sa inilabas na memorandum ng ahensya na pirmado ni DA said Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ipinag-utos nito ang agarang pagsuspinde sa processing, evaluation at pagbibigay ng sanitary at phytosanitary import clearances para sa lahat ng domestic at wild birds.

Ipinagbabawal rin ang pag-aangkat ng mga produktong itlog, sisiw, semen at poultry meat mula sa naturang bansa.

Nilinaw naman ng ahensya sa kanilang kautusan na hindi kabilang sa ban ang mga in transit , loaded at tinanggap sa mga pantalan na produkto bago ang paglalabas ng memorandum.

Kailangan lamang na magpresenta ng patunay na ang naturang mga imported na ibon at poultry products ay kinatay o na produced bago ang November 9, 2024.

Ipinag-utos na rin ng ahensya sa mga quarantine authorities na kumpiskahin ang mga poultry commodities na kabilang sa inilabas na kautusan ng ahensya.