-- Advertisements --

Nagsasagawa ngayon ng testing ng mga bagong bakuna ang Department of Agriculture (DA) laban sa African Swine Fever (ASF).

Ayon kay DA Secretary William Dar ay isinasailalim ngayon sa testing ang ikalawang round ng mga newly manufactured at developed na mga bakuna laban sa nasabing sakit sa mga baboy.

Inilarawan ng kalihim ang inisyal na resulta ng mga testing bilang “very encouraging” kung saan ay sinabi niya na maaring makapagsagawa ng malawakang bakunahan sa mga baboy sa oras na maging matagumpay ang magiging resulta ng ikalawang trial nito.

Magugunita na batay sa nakalap na datos ng Bureau of Animal Industry (BAI) noong March 31, nakitaan ng aktibong kaso ng ASF ang mga probinsya ng Camarines Norte, Leyte, Southern Leyte, at Northern Samar.