Nagtakda ang Department of Agriculture (DA) ng suggested retail price (SRP) na P125 kada kilo sa mga inangkat na pulang sibuyas sa Metro Manila simula bukas dahil nananatiling mataas ang presyo ng mga bilihin.
Inaprubahan ng Department of Agriculture (DA) ang suggested retail price (SRP) kasunod ng endorsement mula sa mga importer, traders at retailers.
Ayon kay DA Assistant Secretary for consumer affairs at spokesperson Kristine Evangelista nakipagpulong sila sa mga stakeholders’ kasama ang mga importer, traders at retailer.
Napagkasunduan nilang irekomenda ang P125 kada kilo ng suggested retail price (SRP) para sa mga inangkat na red onions na ngayon ay naaprubahan na.
Ang suggested retail price ay nag-average ng halaga ng mga red onions, na humigit-kumulang P77 kada kilo, ang presyo ng wholesaler na humigit-kumulang P94-110 kada kilo at ang gastos ng mga retailer tulad ng renta.
Naghahanap ng paraan ang Department of Agriculture na ipatupad ang Suggested Retail Price sa kalagitnaan ng linggo upang mabigyan sila ng oras na mai-palaam sa publiko ang impormasyon at para sa mga retailer na mag-adjust.
Nilinaw din ng opisyal na ang mga red onions lamang ang magkakaroon ng SRP dahil nananatiling mataas ang presyo ng mga bilihin sa kabila ng pagpasok ng mga imports at local harvests.