Hihilingin ng Department of Agriculture (DA) sa mga mambabatas na palitan ang depenisyon ng profiteering na nakasaad sa batas.
Sinabi ni DA Undersecretary Asis Perez, na layon nito ay para mabigyan silang kapangyarihan na mahuli ang mga mapagsamantalang wholesalers at retailers ng mga commodities.
Sa ngayon kasi ay tila nakatali ang kanilang kamay sa pagtugon ng mga nagaganap na profiteering sa merkado kaya napipilitan silang gumawa ng paraan para maresolba ang problema.
Ilan sa mga inihalimbawa nila ay kapag pinatungan na ng mga negosyante ng 10 percent ang presyo ng produkto na ito ay lagpas sa nakasaad sa Republic Act 7581 o Price Act.
Sa ilalim kasi ng Price Act na ang profiteering ay ang pagbebenta ng anumang produkto sa mas mataas na halaga nito.