Nais ibalik ng DA ang presyo ng tilapia at bangus sa P50 hanggang P70 kada kilo sa mga pamilihan sa buong bansa.
Kaugnay nito, nananatiling stable ang market retail prices para sa bangus at tilapia sa National Capital Region.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, matatag ang presyuhan nito sa iba’t-ibang pamilihan.
Kasunod ito ng ulat ng DA noong Martes ng P30 kada kilo na pagtaas sa presyo ng freshwater fish, dahil sa pagbaba ng supply ng mga isda sa panahon ng closed fishing season.
Sa isang pahayag, sinabi ng BFAR na ang pinakahuling monitoring sa mahigit 10 pangunahing retail market ay nakasaad na ang medium-sized na bangus na nagmula sa Bulacan at Pangasinan ay ibinenta sa halagang P180 kada kilo.
Habang ang medium-sized na tilapia na galing sa Batangas at Pampanga ay ibinenta sa halagang P120 kada kilo.
Idinagdag pa ng kawanihan na ang farmgate prices ng Tilapia ay bumaba sa P85–P88 sa isang linggo, kumpara sa P90 hanggang P93 noong nakaraang linggo.
Sa naunang pahayag, sinabi ng DA na layunin nitong ibalik ang presyo ng tilapia at bangus sa P50 hanggang P70 kada kilo.