-- Advertisements --
Kinontra ng samahan ng mga nagbebenta ng karne ng baboy sa bansa ang plano ng Department of Agriculture (DA) na pagbigay ng suplay ng karne ng baboy sa mga bansang apektado African Swine fever.
Ayon kay Rufina Salas ng Hog Raiser, Agricultural Sector Alliance of Philippines, na isang magandang oportunidad aniya ang nasabing hakbang subalit nararapat na tanggalin muna ang pag-angkat sa ibang mga bansa.
Nauna rito sinabi DA Secretary Manny Pinol na magpadala ang bansa ng mga karne sa mga bansang apektado ng nasabing ASF.
Plano din ng DA na bumili ng mga X-ray machines para agarang ma-detect na ang mga karneng ipinapasok sa bansa ay apektado ng nasabing mga virus.