-- Advertisements --

Plano ng Department of Agriculture na payagan ang mga private sectors o mga kooperatiba na kumuha ng prankisa ng “KADIWA” outlets.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Laurel, na layon nito na mapalawig ang kanilang operasyon.

Sa kasalukuyan kasi ay mayroong 17 sites na mayroong regular na operatons.

Habang ang 230 na iba ay temporaryo lamang ang operasyon.

Bukod pa dito ay pinaplano nila ang pagdagdag ng mga Kadiwa outlets sa pakikipag-ugnayan nila sa ilang mga local government units.