-- Advertisements --

VIGAN CITY – Naka-alerto ang Department of Agriculture laban sa bird flu kahit na wala pang kumpirmadong kaso nito sa bansa.

Ito ay matapos na magdeklara ng China at India ng outbreak sa nasabing sakit.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan, tiniyak ni Agriculture Secretary William Dar na buong taon o year-round umano ang kanilang monitoring na isinasagawa ngunit wala pa umano silang namomonitor na kaso ng nasabing sakit ng hayop sa bansa.

Sa kabila nito, sinabi ni Dar na naka-alerto pa rin ang kagawaran upang matiyak na walang makakalusot na maaaring magdulot nito.

Idinagdag pa ng kalihim na katuwang umano nila sa nasabing hakbang ang Bureau of Animal Industry na nakahandang magsagawa kaagad ng intervention kung mayroon silang madetect na kaso ng bird flu.