Tiniyak ng pamunuan ng Department of Agriculture na tutulungan nila ang mga magsasakang naapektuhan ang mga sakahan dahil sa pagputok ng bulkang kanlaon.
Sa isang pahayag, sinabi ni DA Spokesperson Arnel de Mesa, inihahanda na nila ang pondo para sa mga magsasaka.
Batay aniya sa datos ng kanilang ahensya, ilang mga bayan sa Negros Oriental at Negros Occidental ang apektado ng naturang pagputok ng bulkan.
Patuloy rin aniya ang isinasagawang assesment ng ahensya sa kabuuang danyos sa sektor ng agrikultura.
Wala ring patid ang kanilang pakikipag ugnayan sa mga regional offices nito upang makapagsagawa ng kaukulang mga interbensyon sa mga naapektuhan .
Ang ahensya ay mamamahagi ng mga sumusunod;
Kabilan dito ang agri inputs, Survival and Recovery (SURE) Loan Program mula sa Agricultural Credit Policy Council (ACPC), at Quick Response Fund ng ahensya.