Kinumpirma ng Department of Agriculture na aabot sa mahigit P100 million crop production grant ang nakatakdang ipamahagi ng ahensya sa mga benepisyaryong magsasaka ng tabacco sa buong bansa.
Ayon sa ahensya, ito ay para sa crop year 2024 hanggang 2025.
Sa isang pahayag, sinabi ni Agriculture Undersecretary Deogracias Victor Savellano, pakikinabangan ito ng aabot sa 16,666 tobacco farmers.
Bawat isa sa mga benepisyaryong magsasaka ng tabako ay makatatanggap ng P6,000 cash assistance bago sumapit ang Disyembre 15, 2024.
Batay sa datos ng NTA, may kabuang 9,055 magsasaka ang nasa ilalim ng kanilang Tobacco Contract Growing System (TCGS) Program.
Mula sa naturang bilang , aabot sa 7,611 ang pawang mga Non-Tobacco Contract Growing System Farmers.
Ang mga benepisyaryo ay pinili batay sa itinakdang guidelines ng ahensya na siya namang aprubado ng NTA Governing Board.
Ayon pa sa ahensya, magmumula ang mga benepisyaryong magsasaka sa Abra, Batac sa Ilocos Norte, Cagayan, Candon Ilocos Sur, Isabela, La Union, Mindanao Pangasinan at maging sa bahagi ng Vigan sa Ilocos Sur.