-- Advertisements --

Nakikipagtulungan ngayon ang Department of Agriculture (DA) sa mga local government units (LGUs) para pigilan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF) at upang tulungan na rin ang mga magsasaka sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga fertilizers.

Ini-renew din ni DA Sec. William Dar ang commitmet ng ahensya sa pagbabawas ng mga insidente ng ASF sa pamamagitan ng pakikipagtulungan nito sa mga LGU, mga grupo ng swine raisers, at veterinary associations.

Sa datos ng kagawaran, mula noong taong 2019 ay bumaba ang mga kaso ng swine flu sa 20 mga barangay sa apat na munisipalidad sa tatlong probinsya mula sa dating 3,657 na mga baragay sa 678 lungsod at munisipalidad, sa 51 mga lalawigan.

Bukod sa ipinatupad na ordinansa ng DA na pag i-institutionalize ng Bantay ASF sa Barangay (BABay ASF) ay nagsagawa rin ito ng hog repopulation program o ang Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE), na nagbibigay ng 14,571 sentinel pig sa 5,638 farmer beneficiaries mula noong nakaraang taon.

Namahagi din ng nasa 669,942 na bag ng fertilizers ang kagawaran sa 207,394 na mga magsasaka mula sa Region 4A, 9, 10, 11, 12, 13, at Cordillera Administrative region bilang tulong na rin sa mga ito sa gitna ng mataas na halaga ng mga fertilizer sa bansa.