-- Advertisements --
Pormal nang inilunsad ng Department of Agriculture ang kanilang National Rice Program Fertilizer Discount Voucher sa bayan ng San Andres, Catanduanes katuwang ang isang Agri-Vet Supply company.
Dahil dito ay nakinabang ang nasa 244 at nakakuha ng Fertilizer Discount Vouchers na nanggaling sa Provincial Agriculture Office at maging sa lokal na pamahalaan ng Andres.
Ang programa ay naglalayong mabigyan ng kaukulang suporta ang mga magsasaka.
Sa tuloy nito ay inaasahang gaganda ang produksyon ng palay sa mga rice farm area sa lalawigan.
Nilalarin rin ng programa na mapataas ang ani ng mga magsasaka at ng sa gayon ay lumaki ang kanilang kita.