Nagbabala si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa posibleng kakulangan ng suplay ng itlog pagsapit ng Abril at nanawagan ng agarang aksyon upang maiwasan ito.
Ayon kay Tiu Laurel, dapat suportahan ang mga lokal na egg producers sa pamamagitan ng pondo mula sa mga institusyong pinansyal gaya ng Land Bank at Development Bank of the Philippines.
Ipinaliwanag niya na nagkaroon ng oversupply noong nakaraang taon, dahilan ng pagbagsak ng farm-gate price ng itlog ng P4 kada piraso.
Dahil dito, maraming poultry raisers ang nalugi at kinailangang katayin ang kanilang mga inahing manok upang mabawi ang puhunan.
Dahil dito, bumaba ang populasyon ng egg-laying hens, na maaaring makaapekto sa suplay sa mga darating na buwan.
Sinabi rin ng DA na kailangang palakasin ang produksyon sa pamamagitan ng hatching eggs upang matugunan ang lumalaking demand sa merkado.