TACLOBAN CITY – Patuloy ang panawagan ang Department of Agriculture (DA) sa lahat ng mga ahensya ng gobyerno na makiisa at tumulong sa pagkontrol ng pagkalat ng African swine fever (ASF) sa buong bansa.
Ito ang naging mensahe ni DA Sec. William Dar sa naging pagbisita nito sa probinsya ng Leyte.
Ayon kay Dar, malaki ang magiging pinsala sa industriya ng hog raising sa bansa kung hindi tutulong ang ibang mga ahensya sa pagkontrol sa nasabing sakit.
Kailangan din umanong mas paigtingin pa ang pagsasagawa ng checkpoint at quarantine upang mapigilang makapasok sa iba’t ibang lugar ang mga baboy at produktong karne sa mga lugar na hindi apektado ng naturang virus.
Binigyang diin rin nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman ng publiko tungkol sa sakit na bagaman hindi ito nakakahawa sa tao, kung makakain naman ng karneng apektado ng ASF ay nagiging carrier ito ng nasabing sakit.