-- Advertisements --

Nangako ang Department of Agriculture na kanilang hahabulin at papanagutin ang mga smuggler na nasa likod ng P202 million halaga ng frozen fish shipment mula sa China.

Ginawa ni DA Sec. Francisco Laurel Jr. ang pahayag kasunod ng inspeksiyon sa 2 container vans na naglalaman ng frozen mackerels sa South Harbor, Port of Manila.

Idineklara ang naturang kargamento bilang plant-based commodities gaya ng fried taro sticks, sweet potato balls, at assorted food items na dumating noong Jan. 1.

Ayon sa kalihim, ang mga nasa likod ng misdeclared shipment ay magiging liable sa batas dahil sa outright smuggling at pasok ito sa bagong batas na Anti-Economic Sabotage Act kung saan non-bailable o walang kaukulang piyansa dahil sa laki ng halaga ng pinuslit na shipment.