-- Advertisements --

Nangako ang Department of Agriculture na magtatayo ito ng kauna-unahang onion research and extension center sa bansa para palaguin ang produksyon ng sibuyas.

Itatayo ang naturang proyekto sa bayan ng Bongabon lalawigan ng Nueva Ecija ang pangunahing onion producer sa bansa.

Ipinangako rin ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel sa mga magsasaka sa Bongabon ang bagong kaalaman hinggil sa makabagong teknolohiya sa pagsasaka.

Sisimulan na rin ng ahensya ang paghahanap ng mga magagandang uri ng onion seeds para lumago ang ani ng mga magsasaka.

Ang Nueva Ecija ay kilala bilang nangungunang producer ng bigas ng bansa at leading producer ng sibuyas.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority noong nakalipas na taon, tinatayang aabot sa 12,726.11 hectares ng sakahan sa Central Luzon ang tinataniman ng sibuyas habang 59.80 percent ay national output ng bansa.