-- Advertisements --

Target na maibenta ng Department of Agriculture ngayong buwan ng Enero ang aabot sa higit 160 MT ng highland vegetables o gulay na mula sa bundok na inani ng mga magsasaka sa bansa.

Ito ay sa pamamagitan ng Veggie Connect ng KADIWA at iba pang market linkage programs na naglalayong ilapit ang mga produkto ng mga magsasaka ng direkta sa merkado.

Ayon kay DA Sec . Kiko Laurel, ito ay bahagi ng tulong ng gobyerno sa mga magsasaka na apektado ng overproduction challenges sa kanilang mga tanim na gulay ngayong buwan.

Batay sa datos ng DA-CAR, aabot sa kabuuang 163,189 na kilo ng gulay ang naibenta ng ahensya hanggang Jan. 26 ng kasalukuyang taon.

Ito ay pananim ng 93 na magsasaka na inalalayan bg DA mula sa mga lalawigan ng Benguet, Mt. Province at Ifugao.

Inihayag pa ng kalihim na nagsimula ang Veggie Connect sa pamamagitan ng mga pagtutulungan ng Cordillera Association of Regional Executives.

Layon nito na matulungan ang DA na mamonitor ang supply ng mga gulay partikular na ang repolyo at Chinese cabbage.

Kung maaalala, bumagsak ang presyo ng mga ito dahil sa sobrang supply.