Pinangunahan ng Department of Agriculture ang pagsasagawa ng orientation at blood samples mula sa mga baboy sa lalawigan ng Batangas na nakatakdang bakunahan ng anti-ASF vaccine.
Sa naging pahayag ni DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, hindi muna itutuloy ang pagbabakuna sa baboy hanggat wala pang resulta ang blood sample na karaniwang tumatagal nang 20-48 oras.
Ayon kay De Mesa, kapag lumabas sa resulta na negatibo sa ASF ang isang farm sa Batangas ay saka lamang itutuloy ang bakunahan ng anti-ASF vaccine.
Importante aniya na matukoy muna na negatibon sa ASF ang mga baboy para matukoy kung effective ang bakuna.
Batay sa datos ng ahensya, aabot sa 10,000 dosage ng anti ASF Vaccine ang kasalukuyang nasa Pilipinas.
Ikinatuwa naman ng DA na maraming mga Hog raiser ang kusang nagpalista bilang benepisyaryo ng bakuna laban sa ASF.