-- Advertisements --
Nanindigan ang Department of Agriculture na wala itong hurisdiksyon sa lumulubong presyo ng lechon ngayong holiday.
Ginawa ni Agriculture Assistant Secretary and spokesman Arnel de Mesa ang paglilinaw kasunod na rin ng mga ulat na tumaas na ng hanggang sa 30% ang presyo ng mga ibinebentang lechon sa gitna na rin ng pagtaas ng demand.
Ayon kay de Mesa, ang lechon ay isa nang processed product kayat wala na ito sa hurisdiksyon ng DA.
Ito ay binili at naluto na, tulad ng ham. Dahil dito, nasa ilalim na ito ng Department of Trade and Industry.
Ayon pa kay de Mesa, tanging monitoring sa farmgate price at retail price ng mga baboy sa mga farm at merkado ang maaaring gawin ng DA, batay sa nakalaang tungkulin nito.