Magiging stable na ang presyo ng bigas sa kalakhang Maynila sa sandalling maipatupad na ang P58 per kilo na maximum suggested retail price ng bigas.
Ito ang inihayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel.
Sa ngayon kasi mataas pa ang presyo ng bigas sa mga pamilihan na aabot sa mahigit P60 per kilo ang imported rice.
Aminado naman ang kalihim na kanila din inaasahan na may mga pasaway na rice traders din ang hindi susunod sa ipatutupad na maximum suggested retail price.
Gayunpaman sa pamamagitan ng whole of government approach matugunan ang nasabing problema.
Nananawagan din ang kalihim sa publiko at mga netizens na tulungan sila bantayan ang mga suwail na rice traders sa pamamagitan ng pag post sa social media gamit ang bagong hashtag bantay presyo.
Dagdag pa ni LAurel na kailangan nila ang lahat na maging mapagmatyag para maiwasan ang panglalamang ng ilang mga negosyante ng bigas at kawawa dito mga consumers.
Samantala, naniniwala din si Sec LAurel na magkakaron epekto sa presyo ng biga sa sandaling maibenta na sa mercado ang buffer stock na bigas ng National Food Authority (NFA).
Inaasahang nasa tatlo hanggang limang piso ang mababawasan sa presyo ng bigas.
Ito ay kung maaprubahan ang rekumendasyon ng National Price Coordinating Council na magdeklara ng ” food security emergency for rice” na siyang nagpapahintulot sa NFA na magbenta sa mga kadiwa centers, LGUs at mga ahensiya ng gobyerno ng NFA rice.
Paliwanag ni Laurel kailangan nila mailabas ang nasa 300,000 toneladang buffer stock sa mga warehouse ng NFA.
Layon nito dagdagan ang suplay ng bigas sa mercado.